Tuesday, June 5, 2007
CountDown
days...
Pwedeng ma i-announce na ang final list ng senators for this year.
Pwedeng mag-taas ang Diesel ng ilang ulit.Pwedeng mag ka roon ng virus na parang Bird Flu.
Pwedeng hindi kami sumahod ng nasa oras.
Pwedeng mag karoon ulit ng isang banda na katunog ng Sugarfree.
Pwedeng mag karoon ng bagong TV Show.
Pwedeng magkaroon ng incentive.Pwedeng ma-suspend dahil sa AWOL last week.
Pwedeng hindi makapag post sa BLOG.
Pwedeng hindi mapanood ang TV series every Wednesday ng 8pm.
Pwedeng mag karoon ng roll back sa Diesel.
Pwedeng ma-raid ulit ang Quiapo.
Pwedeng makalimutan mag submit ng log records.
Pwedeng madagdagan ng 2 pounds.
Pwedeng makapag-isip na naman ng pag reresign.
Pwedeng makagawa ng bagong tula.
Pwedeng mag simula ng countdown hanggang mag day 11.
Pwede ring biglang mag labor ang misis na buntis...
Pero ito ang sigurado... may bagong buhay na
darating.
Saturday, June 2, 2007
Log Call
Log Call
by STPN
My name is Steve and can I have your Brai ...
I buckled and about to say Brain
I still have the thought of having
my brain full of infesting agents
giving signs of end
but it seems that it is not possible...
... Name and Address please
No answer might be one of those
misguided being
hesitating to snap over at me,
Again my name is Steve may I have your name and address please.
Thirty Five seconds past
still silence resonates on the other line
Testing my patience til' I say goodbye,
For the last time my name is Steve and can I have your ...
Buckled again for the second time
my throat backs off
I decided to relinquished pain
but ready to deliver...
Name and Address
still silence
but this is like the twentieth time
I repeat this line today.
I'm sorry but I cannot hear anything on the other end, I'm afraid I have to release this call ...
Alas, an oppurtunity to legally end
something that I am avoiding
something that I am tired of ...
I am tired of just listening but I am happy of this...
Silence.
Thursday, May 31, 2007
Koleksyone's ...
Sinubukan kong lingapin lahat ng tula ko sa internet kahapon. Nakakuha ako ng mga at least 26 poems mula 2004 - 2006, galing sa ibat-ibang website, yahoo groups, friendster account, atbp. Gusto ko sanang magkaroon ng dedicated webpage kung saan organisadong nakaimpok ang mga tula kong kahit papano eh na-i-publish na sa net. Pero sa ngayon kung gusto mo silang makita just go to this link or copy and paste mo nalang sa address bar and then click on Download File ...
Saturday, May 26, 2007
Hydro Emotional Bomb
na may lumulubong problema sa dibdib mo na
gustong sumabog na parang hydrocephalus. Hindi
naman siguro. Pero hindi kasi ako tahimik na tao eh,
gusto ko yung may koneksyon ako sa lahat ng taong
nasa paligid ko, gusto ko laging may nakikinig pag
nagsasalita ako, gusto ko pag may sinabi ako may
sasagot, pero pag naramadaman kong wala naman
palang may paki-alam magsisimula na naman akong
mag-isip na ako ang sentro ng kalawakan at lahat
kayo ay umiikot lang sa paligid ko. Umiikot sa paligid
ko, hindi nag-aabot, hindi nag-babangaan, hindi ako
sinasaling. Ayoko sanang paabutin pa sa punto na
ako na mismo ang hihila lahat sa inyo gamit ang
gravitational pull ng pananahimik...
Sisihin ko man ang sarili ko, ilang beses man akong
mag-AWOL o mag half-day, walang magbabago. Sa
tingin ko hindi parin makikita talaga ang namumuong
hydrocephalus sa dibdib ko na malapit ng sumabog.
Sasabog sa pag-mumukha ng nag-iisang taong
hinihintay kong maintindihan at mag-bigay ng
suporta sa namumugto kong mata...
Hindi na din naman magtatagal ang pananatili ng
kung sino man siyang walang pakialam at may-kiling.
Aasa nalang ako sa napipintong pag-babago na sana
naman ay dalhin ako sa luklukan ng mga taong
kayang sumabay sa lipad ng pag-iisip kong
patiwakal. Kung san man ako mag emergency landing
sana lang ay mapigilan nila ang pagsabog ng
hydrocephalus kung saloobin.
Thursday, May 24, 2007
Salita ng Taon 2007

So it's the time of the year again were graduates and scholars pick the Word of the Year... I dont have the complete list of nominated words yet but as always I am expecting the entries to be as good as new or probably fresh out of the humid minds of whoever would send in their entries. I can at least grab a couple of words that I think have the potential to be a candidate although on of them are trivial and really out of context...
1) "Tak-Tak" : a song popularized by our fugitive looking comedian, actor, model, singer, writer, composer, frustrated-queer, Joey De Leon ... It touches and sparks the lime light of those novelty perks that is being succumbed by the four-piece-wannabe-Rock-Band outbreak! Although his rival Willie came up with a "Do-do-do-do" something like that song that is a rip-off and you cannot sing The Police "A Do-Do-Do, A Da-Da-Da" in the videoke anymore without the kids adding "ahahaaaa..." in the lyrics... but "Tak-Tak" is one of the words that I would like to consider.
2) "Chorva" : a gay lingo that is being added to a sentence to complete an unfinished thought. This is like a figure of speech drama that cover something that only those highly influential person's do understand. It goes for both sexes but mostly heard from those happy people who wears pink and do have identity crisis. Can also be heard from the mouth of those chicks who wears Batman like belts and stilletos. Sometimes from band drummers... or maybe just Ley.
Well i dont have any plans of submitting this two words but a plain thought is just ringing in my left ear, telling me that this words deserve a slot for this years list of possibilities...
Friday, May 18, 2007
Wads Wave a Goodbye
So lets say goodbye to our good ol' Wads... who have been a part of our beloved family and share his own walks with our's. After taking calls for almost a year he have decided to leave the company and seek greater knowledge on the outside world...
Thursday, May 17, 2007
SpiderMan 3
Wednesday, May 16, 2007
Luha
Hindi ko alam kung gano na katagal ang video ng bandang "Kapatid" ni Karl Roy na may titolong "Luha"... Kahapon ko lang napanood yung video at naalala ko yung pagiging feeling close ko sa gitarista nilang namatay na si Chico Molina.
Nagsimula ang lahat sa kantang "Prayer", nakakalutang ng utak ung riff ng kanta. May sariling himig na magdadala sayo sa kung saan man, maaring sa himpapawid ng ka-steady-han. Magaling yung lyrics ng kanta, saktong sakto sa longing ng isang tao sa kanyang mahal sa buhay...
"If I ever see you face to face again... I'll ask you why so soon."
So ang parang prequel nito yung kantang "Fade Away" na sa tingin ko naman eh longing sa personal characteristic. Identity Crisis na hindi mawari pero parang hilo talaga yung subject nung kanta (personal na interpretation: any violent reaction welcome.) steady din yung riff, ang sarap kantahan...
Pero sige, dahil tungkol naman to sa "Luha" eh focus muna tayo dun. Di ako pamilyar sa song talaga, first time kong narinig kahapon sa MYX... pero yung build up ng video puro nostalgic mem'ries ng banda. Yung bagong Kapatid na yung gitarista eh yung tropa ni Chico, yung bassits yata ng The Dawn yun na hapon, si Sir Karl padin tsaka J-hoon. Mga live photo, unseen footage, mga short clips, tapos mga picture ni Chico Molina. Reminiscent of the past combined with the current recruits that formalize one of the most promising bands on the UG scene today. Siguro kaya malakas pa si Karl Roy kasi ang dami ng pinagdaanan. Siguro kaya hindi kasama si Nathan sa footage kasi... wala lang. Siguro kaya nya ginawa yun kasi... hindi ko din alam. Kung ano man talaga ang lihim ng Kapatiran... wala na kong balak alamin. Steady lang.
Tuesday, May 15, 2007
Elekshow 07'
Hindi pa ko naka rehistro... Nagpa rehistro ako nung 04' kaso lang na void daw sabi ng mga nagmamagaling na opsiyal sa BiƱan. Election day kahapon wala akong magawa kundi mag-osyoso nalang sa mga classroom na sira sira ang bintana. Ang dami ko pang mga sample ballot na pinapamigay nung mga bata na kumukubli sa buong eskwelahan. Parang piyesta, litawan ang mga banderitas ng mga kandidato sa kahabaan nung street papuntang eskwelahan na wala naman nung mga nakraang araw. Papogian yung mga kandidato sa San Mateo, walang mga originality at initials din ang gamit na palayaw (parang ako...). Sabi ko sa misis ko, paki sulat nalang yung mga kandidato na gusto ko kaso lang ayaw nya boto daw nya yun. Ok so may paninindigan ang misis ko sa isa nyang boto, ang problema lang kasi puro ek's mark naman yung nasa ballot nya. Pansin ko lang medyo magulo ang proseso ng paghahanap ng pangalan. Ewan ko lang ha, pero may computer dun bago dumating sa presinto eh parang hindi naka database yung pangalan ng mga boboto. Kahit sana naka MS Excel lang tas pwedeng i search by ID Voters number, kaso lang hindi ganon eh. Manual padin na titignan mo sa listahan yung pangalan mo, swerte kung andun ka malas kung yung pangalan mo nasa kabilang presinto pa pala which is sa kabilang distrito pa. Yun lang ang hasel bukod dun parang ok naman...
Hindi pa ko nakakaboto so hindi ko alam yung feeling na titignan mo kung mananalo yung sinulat mong kandidato na hindi mo naman kilala. Kung kaparehas kung mag-isip ang karamihan sa mga bumoto malamang hindi lalabas yung mga sobrang sikat at alam kong hatak ang masang Pilipino. Kasi malamang talaga ibigay ko yung boto ko dun sa mga kandidatong hindi maingay ang pangalan, para naman magtaka sila kung sino yung tao na bumoto para sa pangalan nila (baka nga isipin pa ng mga misis nila na may anak sila sa labas... ) malamang kasi puro kamag-anak lang ang may kilala sa kanila eh. Iniisip ko kasi, wala ng saysay yung boto na ibibigay ko kay Chiz Escudero eh alam ko naman na halos kalahati ng bansa eh isusulat yung pangalan nya...
Siguro nga wala akong karapatan bumoto kung yan alang iniisip ko, sana ako lang ang ganito mag desisyon. Marahil kung lahat kayo ganito mag-isip hindi mananalo ang mga karapat dapat sa katungkulan. Marahil masasayang lang ang gastos at hirap ng kandidato nyo. Marahil magagalak ng maigi yung lider ng mga nunal at hindi na nya kakailanganing mag magik para lang manalo si Tito Sotto, at muli ay maging komedya ang pulitikang Pilipino na sa ngayon ay isang malaking Carnival Show.
Saturday, May 12, 2007
Kite
Flight
by STPN
5/12/ 07
Chilhood mem'ries of
Undecided changes
Turned back and forth
Turned from top to bottom
Turned and turned and turned ...
Turned away from
sighs and uncertainties
which reflect doubts
and obvious fears
Flight is a mischief
freedom from over doing
String in between
your owner's hands
holds life and freedom
from strangling somebody
els'es string ...
Monday, May 7, 2007
Unang Ulan Ng Mayo
20 years ago, rumekord ang Quezon City ng 38.5 degrees Celcius yan ang pinaka mainit na temperature sa Metro Manila... pero nung April 21 umabot sa 37 degrees Celcius ang Quezon City. Sapat na yun para painitin ang puwit ni Manny Pacquiao at sabihing walang nagawa ang mga Antonio sa General Santos City ng araw ding yun (but that's a different story...).
So matapos ang April na parusa sa matataba at buntis at sa ibang mga 'CoolDude' (mga estyudante sa AMA na pag pasok sa room diretso sa aircon) pumasok ang May na medyo mainit padin. After a week, first day ko sa trabaho pauwi na ko alas dose ng tanghali nasa FX ako tulog na tulog nagising ako bandang Commonwealth na and guess what!!! Buhos ang ulan men... ;D
Ayun nga nabasa ako pagbaba ko sa plaza ng San Mateo, sakay ng tricycle, nagsindi ng sigarilyo at nagmumuni sa mala Quantum Leap na takbo ng tricycle, parang nag hyperspace sya, ang bilis tapos sabog sa mukha ko yung ulan. Sabi ng matatanda at mga feeling medical expert bawal daw maligo pag puyat, pero pag unang ulan ng Mayo at halos dalawang buwan kang halos na tusta sa init ng alas-dose walang puyat-puyat!
Tuesday, May 1, 2007
Buhay Sa Simula ...
Bagong kwentuhan, bagong circle of friends, bagong pagkaka-abalahan (habang blocked pa ang IJ sa opis), bagong mga kwento na luma na sa pandinig ng iba. Madami akong kwento, reaksyon, tula, kanta, kritisismo, komersyal, bagong buhay sa BLOG community.
Buhay ang title ng BLOG dahil sa rason na ... payak ang buhay ng tao. Napaka general kumabaga, ang hirap himayin; Kung buhay artista ka maganda ang mukha mo at madami kang pera parang walang pinagkaiba kung basag-ulo ka nagugutom at walang sariling tirahan. Pareho lang kayong kumakain ng kanin, minsan sa buhay nyo naligo kayo sa ulan, araw-araw nakikita ang balitang gobyerno na walang pinagkaiba, giniginaw sa tag-ulan, badtrip pag tag-init. Pag-sinabi kasing buhay napaka raming aspeto na pwedeng tamaan. Ang gusto ko lang naman ay damitan at lagyan ng mukha ang nakikita, nakakasalamuha, naririnig at nararanasang buhay. May sense ba? Basta!


