Hindi ko alam kung gano na katagal ang video ng bandang "Kapatid" ni Karl Roy na may titolong "Luha"... Kahapon ko lang napanood yung video at naalala ko yung pagiging feeling close ko sa gitarista nilang namatay na si Chico Molina.
Nagsimula ang lahat sa kantang "Prayer", nakakalutang ng utak ung riff ng kanta. May sariling himig na magdadala sayo sa kung saan man, maaring sa himpapawid ng ka-steady-han. Magaling yung lyrics ng kanta, saktong sakto sa longing ng isang tao sa kanyang mahal sa buhay...
"If I ever see you face to face again... I'll ask you why so soon."
So ang parang prequel nito yung kantang "Fade Away" na sa tingin ko naman eh longing sa personal characteristic. Identity Crisis na hindi mawari pero parang hilo talaga yung subject nung kanta (personal na interpretation: any violent reaction welcome.) steady din yung riff, ang sarap kantahan...
Pero sige, dahil tungkol naman to sa "Luha" eh focus muna tayo dun. Di ako pamilyar sa song talaga, first time kong narinig kahapon sa MYX... pero yung build up ng video puro nostalgic mem'ries ng banda. Yung bagong Kapatid na yung gitarista eh yung tropa ni Chico, yung bassits yata ng The Dawn yun na hapon, si Sir Karl padin tsaka J-hoon. Mga live photo, unseen footage, mga short clips, tapos mga picture ni Chico Molina. Reminiscent of the past combined with the current recruits that formalize one of the most promising bands on the UG scene today. Siguro kaya malakas pa si Karl Roy kasi ang dami ng pinagdaanan. Siguro kaya hindi kasama si Nathan sa footage kasi... wala lang. Siguro kaya nya ginawa yun kasi... hindi ko din alam. Kung ano man talaga ang lihim ng Kapatiran... wala na kong balak alamin. Steady lang.

No comments:
Post a Comment