Friday, May 18, 2007

Wads Wave a Goodbye



So lets say goodbye to our good ol' Wads... who have been a part of our beloved family and share his own walks with our's. After taking calls for almost a year he have decided to leave the company and seek greater knowledge on the outside world...

Thursday, May 17, 2007

SpiderMan 3





Napanood ko na SpiderMan:3... kanina lang. Ok naman siya, medyo exciting yung mga stunts ni Peter Parker aka Black Spidey. Napaka ligalig nga lang nya sa ibang part pero ok naman. Pambihira lang, emong-emo yung dating nya sa bar nung nag sasayaw sila nung chick. Medyo korni lang yung pag ka talo kay Venom... sabi nga ni Daryle kahit magbibinatog o kaya tindero ng ice cream kayang talunin yun, pero sa tingin ko si Santa Claus pwede din. Over-all expression sa movie... uhmmm tama lang na pang dagdag sa DVD collection ... by the way malinaw yung nabili kong CD sa Ever Gotesco walang tumatayo at maganda ang audio wala nga lang subtitle. ;D









Wednesday, May 16, 2007

Luha



Hindi ko alam kung gano na katagal ang video ng bandang "Kapatid" ni Karl Roy na may titolong "Luha"... Kahapon ko lang napanood yung video at naalala ko yung pagiging feeling close ko sa gitarista nilang namatay na si Chico Molina.


Nagsimula ang lahat sa kantang "Prayer", nakakalutang ng utak ung riff ng kanta. May sariling himig na magdadala sayo sa kung saan man, maaring sa himpapawid ng ka-steady-han. Magaling yung lyrics ng kanta, saktong sakto sa longing ng isang tao sa kanyang mahal sa buhay...

"If I ever see you face to face again... I'll ask you why so soon."

So ang parang prequel nito yung kantang "Fade Away" na sa tingin ko naman eh longing sa personal characteristic. Identity Crisis na hindi mawari pero parang hilo talaga yung subject nung kanta (personal na interpretation: any violent reaction welcome.) steady din yung riff, ang sarap kantahan...

Pero sige, dahil tungkol naman to sa "Luha" eh focus muna tayo dun. Di ako pamilyar sa song talaga, first time kong narinig kahapon sa MYX... pero yung build up ng video puro nostalgic mem'ries ng banda. Yung bagong Kapatid na yung gitarista eh yung tropa ni Chico, yung bassits yata ng The Dawn yun na hapon, si Sir Karl padin tsaka J-hoon. Mga live photo, unseen footage, mga short clips, tapos mga picture ni Chico Molina. Reminiscent of the past combined with the current recruits that formalize one of the most promising bands on the UG scene today. Siguro kaya malakas pa si Karl Roy kasi ang dami ng pinagdaanan. Siguro kaya hindi kasama si Nathan sa footage kasi... wala lang. Siguro kaya nya ginawa yun kasi... hindi ko din alam. Kung ano man talaga ang lihim ng Kapatiran... wala na kong balak alamin. Steady lang.

Tuesday, May 15, 2007

Elekshow 07'

Hindi pa ko naka rehistro... Nagpa rehistro ako nung 04' kaso lang na void daw sabi ng mga nagmamagaling na opsiyal sa BiƱan. Election day kahapon wala akong magawa kundi mag-osyoso nalang sa mga classroom na sira sira ang bintana. Ang dami ko pang mga sample ballot na pinapamigay nung mga bata na kumukubli sa buong eskwelahan. Parang piyesta, litawan ang mga banderitas ng mga kandidato sa kahabaan nung street papuntang eskwelahan na wala naman nung mga nakraang araw. Papogian yung mga kandidato sa San Mateo, walang mga originality at initials din ang gamit na palayaw (parang ako...). Sabi ko sa misis ko, paki sulat nalang yung mga kandidato na gusto ko kaso lang ayaw nya boto daw nya yun. Ok so may paninindigan ang misis ko sa isa nyang boto, ang problema lang kasi puro ek's mark naman yung nasa ballot nya. Pansin ko lang medyo magulo ang proseso ng paghahanap ng pangalan. Ewan ko lang ha, pero may computer dun bago dumating sa presinto eh parang hindi naka database yung pangalan ng mga boboto. Kahit sana naka MS Excel lang tas pwedeng i search by ID Voters number, kaso lang hindi ganon eh. Manual padin na titignan mo sa listahan yung pangalan mo, swerte kung andun ka malas kung yung pangalan mo nasa kabilang presinto pa pala which is sa kabilang distrito pa. Yun lang ang hasel bukod dun parang ok naman...


Hindi pa ko nakakaboto so hindi ko alam yung feeling na titignan mo kung mananalo yung sinulat mong kandidato na hindi mo naman kilala. Kung kaparehas kung mag-isip ang karamihan sa mga bumoto malamang hindi lalabas yung mga sobrang sikat at alam kong hatak ang masang Pilipino. Kasi malamang talaga ibigay ko yung boto ko dun sa mga kandidatong hindi maingay ang pangalan, para naman magtaka sila kung sino yung tao na bumoto para sa pangalan nila (baka nga isipin pa ng mga misis nila na may anak sila sa labas... ) malamang kasi puro kamag-anak lang ang may kilala sa kanila eh. Iniisip ko kasi, wala ng saysay yung boto na ibibigay ko kay Chiz Escudero eh alam ko naman na halos kalahati ng bansa eh isusulat yung pangalan nya...

Siguro nga wala akong karapatan bumoto kung yan alang iniisip ko, sana ako lang ang ganito mag desisyon. Marahil kung lahat kayo ganito mag-isip hindi mananalo ang mga karapat dapat sa katungkulan. Marahil masasayang lang ang gastos at hirap ng kandidato nyo. Marahil magagalak ng maigi yung lider ng mga nunal at hindi na nya kakailanganing mag magik para lang manalo si Tito Sotto, at muli ay maging komedya ang pulitikang Pilipino na sa ngayon ay isang malaking Carnival Show.