Tuesday, May 15, 2007

Elekshow 07'

Hindi pa ko naka rehistro... Nagpa rehistro ako nung 04' kaso lang na void daw sabi ng mga nagmamagaling na opsiyal sa Biñan. Election day kahapon wala akong magawa kundi mag-osyoso nalang sa mga classroom na sira sira ang bintana. Ang dami ko pang mga sample ballot na pinapamigay nung mga bata na kumukubli sa buong eskwelahan. Parang piyesta, litawan ang mga banderitas ng mga kandidato sa kahabaan nung street papuntang eskwelahan na wala naman nung mga nakraang araw. Papogian yung mga kandidato sa San Mateo, walang mga originality at initials din ang gamit na palayaw (parang ako...). Sabi ko sa misis ko, paki sulat nalang yung mga kandidato na gusto ko kaso lang ayaw nya boto daw nya yun. Ok so may paninindigan ang misis ko sa isa nyang boto, ang problema lang kasi puro ek's mark naman yung nasa ballot nya. Pansin ko lang medyo magulo ang proseso ng paghahanap ng pangalan. Ewan ko lang ha, pero may computer dun bago dumating sa presinto eh parang hindi naka database yung pangalan ng mga boboto. Kahit sana naka MS Excel lang tas pwedeng i search by ID Voters number, kaso lang hindi ganon eh. Manual padin na titignan mo sa listahan yung pangalan mo, swerte kung andun ka malas kung yung pangalan mo nasa kabilang presinto pa pala which is sa kabilang distrito pa. Yun lang ang hasel bukod dun parang ok naman...


Hindi pa ko nakakaboto so hindi ko alam yung feeling na titignan mo kung mananalo yung sinulat mong kandidato na hindi mo naman kilala. Kung kaparehas kung mag-isip ang karamihan sa mga bumoto malamang hindi lalabas yung mga sobrang sikat at alam kong hatak ang masang Pilipino. Kasi malamang talaga ibigay ko yung boto ko dun sa mga kandidatong hindi maingay ang pangalan, para naman magtaka sila kung sino yung tao na bumoto para sa pangalan nila (baka nga isipin pa ng mga misis nila na may anak sila sa labas... ) malamang kasi puro kamag-anak lang ang may kilala sa kanila eh. Iniisip ko kasi, wala ng saysay yung boto na ibibigay ko kay Chiz Escudero eh alam ko naman na halos kalahati ng bansa eh isusulat yung pangalan nya...

Siguro nga wala akong karapatan bumoto kung yan alang iniisip ko, sana ako lang ang ganito mag desisyon. Marahil kung lahat kayo ganito mag-isip hindi mananalo ang mga karapat dapat sa katungkulan. Marahil masasayang lang ang gastos at hirap ng kandidato nyo. Marahil magagalak ng maigi yung lider ng mga nunal at hindi na nya kakailanganing mag magik para lang manalo si Tito Sotto, at muli ay maging komedya ang pulitikang Pilipino na sa ngayon ay isang malaking Carnival Show.

No comments: