Tingin ko tapos na ang summer eh... pero may mga bagay ako na hindi mainitindihan. Iba yung init ng summer na to kung ikukumpara sa summer ng mga nakaraang taon. Parang sobrang friendship kayo ng araw, kahit sa FX na aircon nakikitabi sayo, sumisiping pag natutulog ka, sabay kayo naliligo at halos ayaw kang tantanan...
20 years ago, rumekord ang Quezon City ng 38.5 degrees Celcius yan ang pinaka mainit na temperature sa Metro Manila... pero nung April 21 umabot sa 37 degrees Celcius ang Quezon City. Sapat na yun para painitin ang puwit ni Manny Pacquiao at sabihing walang nagawa ang mga Antonio sa General Santos City ng araw ding yun (but that's a different story...).
So matapos ang April na parusa sa matataba at buntis at sa ibang mga 'CoolDude' (mga estyudante sa AMA na pag pasok sa room diretso sa aircon) pumasok ang May na medyo mainit padin. After a week, first day ko sa trabaho pauwi na ko alas dose ng tanghali nasa FX ako tulog na tulog nagising ako bandang Commonwealth na and guess what!!! Buhos ang ulan men... ;D
Ayun nga nabasa ako pagbaba ko sa plaza ng San Mateo, sakay ng tricycle, nagsindi ng sigarilyo at nagmumuni sa mala Quantum Leap na takbo ng tricycle, parang nag hyperspace sya, ang bilis tapos sabog sa mukha ko yung ulan. Sabi ng matatanda at mga feeling medical expert bawal daw maligo pag puyat, pero pag unang ulan ng Mayo at halos dalawang buwan kang halos na tusta sa init ng alas-dose walang puyat-puyat!