Saturday, May 26, 2007

Hydro Emotional Bomb

Rason nga ba ang biglang pananhimik para ipahayag
na may lumulubong problema sa dibdib mo na
gustong sumabog na parang hydrocephalus. Hindi
naman siguro. Pero hindi kasi ako tahimik na tao eh,
gusto ko yung may koneksyon ako sa lahat ng taong
nasa paligid ko, gusto ko laging may nakikinig pag
nagsasalita ako, gusto ko pag may sinabi ako may
sasagot, pero pag naramadaman kong wala naman
palang may paki-alam magsisimula na naman akong
mag-isip na ako ang sentro ng kalawakan at lahat
kayo ay umiikot lang sa paligid ko. Umiikot sa paligid
ko, hindi nag-aabot, hindi nag-babangaan, hindi ako
sinasaling. Ayoko sanang paabutin pa sa punto na
ako na mismo ang hihila lahat sa inyo gamit ang
gravitational pull ng pananahimik...

Sisihin ko man ang sarili ko, ilang beses man akong
mag-AWOL o mag half-day, walang magbabago. Sa
tingin ko hindi parin makikita talaga ang namumuong
hydrocephalus sa dibdib ko na malapit ng sumabog.
Sasabog sa pag-mumukha ng nag-iisang taong
hinihintay kong maintindihan at mag-bigay ng
suporta sa namumugto kong mata...

Hindi na din naman magtatagal ang pananatili ng
kung sino man siyang walang pakialam at may-kiling.
Aasa nalang ako sa napipintong pag-babago na sana
naman ay dalhin ako sa luklukan ng mga taong
kayang sumabay sa lipad ng pag-iisip kong
patiwakal. Kung san man ako mag emergency landing
sana lang ay mapigilan nila ang pagsabog ng
hydrocephalus kung saloobin.

No comments: