So first of all maraming salamat sa pagpunta mo dito... Marami na rin akong ginawang BLOG site pero walang nagtatagal, minsan kinakatamaran nalang na mag post minsan naman badtrip lang ako sa format kaya di ko na tinatapos. Pero sa mga panahon na to parang ang sarap mag-simula ulit ng BLOG. Ang sarap magkaroon ng lugar para sa mga rumblings, reklamo, aesthetic invention, two-cents-worth, at kung ano-ano pa... It's never too late when you are still young sabi nung isang kanta na hindi ko alam ang title, kahit na almost 6 years old na yung unang una kong blog sa Xanga.com, magsisimula padin ako ng bagong BLOG...
Bagong kwentuhan, bagong circle of friends, bagong pagkaka-abalahan (habang blocked pa ang IJ sa opis), bagong mga kwento na luma na sa pandinig ng iba. Madami akong kwento, reaksyon, tula, kanta, kritisismo, komersyal, bagong buhay sa BLOG community.
Buhay ang title ng BLOG dahil sa rason na ... payak ang buhay ng tao. Napaka general kumabaga, ang hirap himayin; Kung buhay artista ka maganda ang mukha mo at madami kang pera parang walang pinagkaiba kung basag-ulo ka nagugutom at walang sariling tirahan. Pareho lang kayong kumakain ng kanin, minsan sa buhay nyo naligo kayo sa ulan, araw-araw nakikita ang balitang gobyerno na walang pinagkaiba, giniginaw sa tag-ulan, badtrip pag tag-init. Pag-sinabi kasing buhay napaka raming aspeto na pwedeng tamaan. Ang gusto ko lang naman ay damitan at lagyan ng mukha ang nakikita, nakakasalamuha, naririnig at nararanasang buhay. May sense ba? Basta!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
know this: If Kitchen faucet is not resolved, you can choose a regular point of the brand. General formal goods are manufacturers of brand identity, and some Antique brass faucet product or some quality time products are often pasted some paper labels only, even without any markings, be sure to pay attention to when buying Bathroom mirror.
Post a Comment